Breaking News

Entertainment | Drama at the Music Museum - Sentifeels



Maraming nagtatanong bakit SENTI Feels ? O panu nabuo un concept na to. Sa totoo lang inspirasyon ko rito ang sambayanan na punong puno ng “hugot” sa buhay, kapag nabasa mo sa social media yun mga pinagdadaanan nila sa larangan ng Pag-ibig Masaya o punong puno ng sakit madadala ka talaga kaya sabi ko nga,
 “Bakit di nalang idaan sa kanta ang drama”.



Sa Pagpili ng aawit:
Habang nagmamaneho napakinggan ko sa radio ang kantang “Hiling” ni Mark Carpio na sa kasalukuyang nasa mahigit 23M views na sa youtube ang lyric video. Pag napakinggan mo siya parang hinahaplos un puso mo ganun un pakiramdam kaya sabi ko, anu pa pag LIVE niyang kinanta.

Habang na nanonood ako ng TV napansin ko ang galing sa pagarte ni Mikoy Morales ang sabi ko diba kumakanta din siya, agad ko check ang instagram niya at pinakinggan ko ang latest single niyang “SANA”  sa youtube, talagang madadala ka sa magandang tinig niya. Napaka flexible at para kang hinaharana pag pinapakinggan mo siya.

Habang nag search ako sa Youtube nakita ko ang version ni Jinho Bae sa pagkanta niya ng Nanghihinayang. Pambihira Koreano pero OPM ang kinakanta  kaya sabi ko Astig to, sabi ko sana makita nila un husay nito sa pagkanta ng iba pang OPM songs.

Habang nakikipagkwentuhan ako at biglang tumugtog ang “Hindi Para sayo” ng Kithara. Itong banda na to may kakaibang galing talaga, bawat member expert sa musical instrument at ang ganda ng boses ng vocalist nila.



Habang paulit ulit kong pinapakinggan ang composition ni LEERA na “Again and Again” sa Spotify masasabi mong ang sarap umiibig.Para angel un kumakanta. Sabi ko sana mapansin un galing niya sa pagkanta.
Sa Pagpili ng special guest :

Si Lance Edward at RJ Agustin parehas na singer actor mahusay sila at complete package talaga.

Tim Sawyer iba un charm niya napanood ko siya sa youtube at magaling din siyang umawit.

Vjosh Tribe at  Deanne, parehas kong nasaksihan un performance nila at sa tingin ko mamahalin sila sa angking talent nila sa pagtugtug ng musika.
Maraming magagaling na singers sa Pilipinas need lang ng exposure at mabigyan ng magandang pagkakataon tulad nitong SENTI feels, sulit ang ibabayad nila at sigurado po kame na talagang marerelax at mageenjoy sila.Itong concert na to ay para sa lahat ng nasaktan, umiibig, gustong umiyak o gustong ngumiti.  Sabi ko nga “ Idaanan nalang sa kanta ang drama” Maki Senti feels na.

Special thanks to our Sponsors : Payantog Sports, Cocoline naturals, Blest Cosmetics & Merchandise ,EMI group of Hotels,Tee Radio & Filipino Vines.

Featuring :Mark Carpio,Mikoy Morales, Leera, Kithara, Jinho Bae,
Special guest : RJ Agustin, Lance Edward, Deanne, VJosh Tribe and Tim Sawyer.
December 15th, 2017 at the Music Museum, Greenhills 8pm.

Tickets are available :
Ticketnet online 911 55 55  -   SM Malls ticket outlet –    Music Museum 721 67 26


------------------------------------------------------------------------- 
words by Bituin Estaris